eRehistro: NPC’s new registration and renewal platform

March 1, 2021 | 10:36 AM GMT+0800 Last Edit: March 2, 2021

We’re making this registration season easier for you with the launch of NPC’s new registration and renewal platform!

Narito ang ilang mga paunang detalye tungkol sa eRehistro:

  1. What is eRehistro?

    Ang eRehistro ay ang EC online registration system ng National Privacy Commission.

    Easy-to-use dahil sa simpleng interface at Convenient dahil maliban sa maaari kang magregister, amend at renew ng iyong registration, magkasama na rin sa eRehistro ang Phase 1: Data Protection Officer (DPO) at Phase 2: Data Processing System (DPS) Registration!

  2. Ano ang epekto ng eRehistro sa March 7 renewal of registration?

    Dahil sa paglaunch ng eRehistro, ang validity ng existing registrations ay extended hanggang June 30, 2021. Ito ay upang bigyang sapat na panahon ang lahat na makapaghanda sa account creation process dahil parehong DPO at DPS ang dapat i-register sa eRehistro.

  3. May mga kailangan bang ihandang dokumento para sa eRehistro?

    Mayroon pa rin! Abangan ang mga susunod na announcement ng NPC para sa listahan ng mga documentary requirements na kailangang i-upload sa eRehistro at para masagot ang iba pang mga katanungan.