eRehistro: Certificate of Registration and User Credentials Frequently Asked Questions (FAQs)

March 22, 2021 | 8:49 AM GMT+0800 Last Edit: March 22, 2021

Dahil maspinadali naming ang registration process, madali ka lang din makakuha ng Certificate of Registration!

Narito ang iba pang detalye tungkol sa Certificate of Registration at user credentials sa eRehistro.

  1. Ano ang dapat asahan pagkatapos makagawa ng account sa eRehistro?

    Kapag nakagawa ka na ng account sa eRehistro, kailangang kumpletuhin ang mga detalye sa pagrehistro. Matapos makumpleto ang mga detalye, maidownload, mapirmahan at mapanotaryo ang DPO form, kinakailangang iupload ang mga ito para maisubmit ng kumpleto ang application. Ito ay ivavalidate ng NPC, upang makita kung may kulang or may mali sa iyong ipinasang mga requirements. Makakatanggap ang iyong registered email ng resulta kung ito ay pasado sa susunod na proseso (For Approval) o hindi (Invalid).

    Para sa mga kumpleto at accurate na submission, magnonotify ang system na nakumpleto mo na ang application ay approved. Pagkatapos nito, ang iyong certificate of registration ay magiging available sa loob ng pitong (7) araw.

    Para sa mga hindi nakakumpleto o hindi accurate ang submission, ikaw ay makakatanggap ng notification sa system tungkol dito. Kaagad rin itong maaring i-resubmit sa eRehistro para matapos ang iyong registration.

  2. Anong e-mail address ang dapat kong gamitin kapag gumawa ng account sa eRehistro?

    Nirerekomenda namin ang paggamit ng official o business email upang maiwasan ang pagkawala ng access dito. Masmadali rin itong marerecover dahil ito ay connected sa PIC o PIP.

  3. Kapag ba mayroon kang Certificate of Registration ay nangangahulugang compliant na sa DPA?

    Ang certificate na issued ng NPC ay hindi nagpapatotoo ng total compliance at accountability ng isang PIC o PIP. Ang DPS registration ay isa lamang sa mga requirements upang maging compliant sa DPA at sa mga issuances ng NPC. Ang mga Government organizations, PIC at PIPs ay kinakailangang sundin ang iba pang requirements ng DPA at NPC kasama rito ang pagsiguro na napapangalagaan at naitataguyod ang karapatan ng data subjects, secure ang pagproseso ng personal data, at ang mga proseso ay ayon sa tatlong prinsipyo ng data privacy.