March 17, 2021 | 9:54 AM GMT+0800 Last Edit: November 11, 2021
Para sa EASY at CONVENIENT na pagregister sa platform, narito ang ilang mga bagay na dapat mong ihanda para sa pagregister sa eRehistro!
Sino-sino ang mga kailangang magregister sa eRehistro?
Ang mga bago at lumang rehistrong organisasyon at indibiduwal na nagpoproseso ng personal data, o ang tinatawag nating Personal Information Controllers (PICs) at Personal Information Processors (PIPs) ay dapat magregister gamit ang eRehistro. Ayon sa Section 5 ng NPC Circular 17-01 (https://www.privacy.gov.ph/npc-circular-17-01…/), ang mga halimbawa nito ay
Ano-ano ang mga kinokolektang personal data sa pag gawa ng account sa eRehistro?
Bilang pagsunod sa Principles of Proportionality at Transparency ng Data Privacy Act, kailangan mo lamang i-encode ang lahat ng mga sumusunod na iba pang personal data sa eRehistro Application Form:
Pagkatapos ma-encode ang lahat ng hinihinging data, kailangang i-print, pirmahan at ipanotaryo ang eRehistro Application Form.
Ano-anong dokumento ang kailangang ihanda para sa pag gawa ng ng account sa eRehistro?
Sa paggawa ng account at pagregister sa eRehistro, ito ang mga dokumentong dapat i-upload sa platform:
Ano-ano ang mga impormasyon na hihingin sa pag-accomplish ng registration ng Data Processing System (DPS)?
Upang mapaghandaan ang pagrerehistro ng inyong DPS, narito ang mga impormasyong kailangan i-encode sa eRehistro:
Ano ang mangyayari kapag hindi niregister ang DPS ng isang PIC o PIP?
Dahil ito ang last step ng registration, hindi makakakuha ng Certificate of Registration mula sa NPC ang PIC o PIP kapag hindi niregister ang lahat ng kanilang DPS.
Kung kulang naman ang nairehistrong DPS ng organisasyon, magiging isa ito sa mga konsiderasyon na titignan ng NPC sa pagsasagawa nito ng compliance checks at kapag nagkaroon ng security breaches. Maaari ring imbestigahan ito ng NPC sa hinaharap.
Kaya naman kumpletuhin na ang detalye ng inyong DPS upang mapadali ang pag-encode nito sa eRehistro!